Uncategorized

Parang Over- Realistic Naman (PORN)

Ang hindi kailanman sapat

Ay ang mga salita

Upang ilantad ko sa mundo

Ang pinsalang dulot ng pagkawala

Ng ating pag-ibig

Hindi nila kailanman maiintindihan,

Na kung ang taong pinangarap

At inaalagaan mo ng lubusan

Ang sa piling mo ay lumisan

Hindi na kailanman

Magkakakulay ang mga rosas,

Hindi na kailanman

Lalawiswis ang mga dahon

Hindi na kailanman

Asul ang kalangitan.

At habang kailangan nating

Magpatuloy sa buhay

At itago sa mga ngiti ang

Pusong winasak ng ilang beses ng

“I’m sorry we will never make it”

Kailangan din natin marahil ilipat ang

Ating atensyon

Sa iba pang mga bagay sa buhay

Malay mo bukas

Siya ay magbalik

Malay mo bukas

May makilala kang pogi

Malay mo bukas

Biglang mawala ang sakit

Malay mo bukas

Tapos na ang iyong buhay

Na sa paghihintay mo lang naialay.

Parang over-realistic naman,

Maaaring masabi mo,

Wala na bang “happy ending” sa mundo?

Meron naman siguro,

Depende ito sa’yo,

Ano ang gagawin mo sa puso mong sugatan

Magmumukmok ka lang ba

O ipagpapatuloy ang pag-asa at ang laban?

### http://www.sba.ph

PS. Ms. Babe, gusto ko lang po ma-publish ito. Hehe ayoko po nung premyong pera (umaasang mananalo haha) gusto ko lang po nung books. Hehe more power!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s