Uncategorized

Let Me Commit a Mistake Now

Chased, mahal kita. 

Advertisements

6 thoughts on “Let Me Commit a Mistake Now

  1. Ibinigay ka niya -ACT

    Walang labis ngunit may kulang,
    walang pag-iimbot ngunit may laman.
    Ikaw ‘yan, noong una kong masilayan.
    Ikaw ito, at wala akong kinikilingan.

    Napuno ng dilim ang langit,
    isa ka sa naulanan ng kapighatian.
    Ngunit ang gabi ay may sipat ng umaga
    at sa pagsinag ng umaga kita’y hahagkan sa tuwina.

    Hindi man mabubura ng ilang saya ang pait ng alaala,
    hayaan mong kulayan ko ng bagong ligaya ang mapungay mong mata.
    Hindi man kaagad makalakad ang iyong gunita sa kinabukasan,
    hayaan mong ika’y buhatin, ilibot ka sa hiwaga ng sanlibutan.

    Hindi man naging patas ang buhay sa ilang sandali natin sa mundo,
    alam ko, hindi katanggap-tanggap ang salitang magiging maayos din ang lahat.
    Ngunit hayaan mong maging tulay ako ng panibagong yugto sa buhay mo.
    hayaan mo ako, na sumalo sa mga luhang dulot ng nanggagagong bahagi na masaklap.

    Dahil ang lahat ay may dahilan, ang bawat kasawian, lumbay ay may katapusan.
    Dahil ang dilim ay magtatapos, sa paglamon ng liwanag sa puso mong napaglaruan.
    Dahil ang buhay na nautas, ‘di man maibalik ay naging bahagi ng tamis at pangarapin.
    Dahil ang sandali na nalugmok ka sa kawalan, ang sandali ng paglimot mo sa amang kalwalhatian…

    ay sandali na hindi ko man kayang mapalitan, ‘di ko man kayang ikahon sa nakaraan,
    ay pipilitin kong mapalitan. Nang bagong kasaysayan na may talang magliliwanag
    nang bagong karanasan na iiwasan kang saktan,
    nang bagong pagmamahal na maghihili sa iyo sa oras na iyong kailangan.

    Ibinigay niya ang lahat, sa rasong maaaring ‘di natin maapuhap.
    Ibinigay niya ang gusto maski ang ayaw natin.
    Ibinigay ka niya sa akin, at pangakong ika’y mamahalin.
    sa ikaw, sa noon, sa ngayon at sa magiging bagong Janine na pangako kong iingata’t mamahalin.

    1. Nang ibinigay ka ng tadhana sa akin,
      Ako ay nagalak at natakot.
      Nagalak pagkat may bago akong kasangga;
      Natakot pagkat alam kong sa aking mga mata
      Iyong makikita ang pagkapagal
      At lungkot;
      Ang kawalang pag-asa at tuyot na pangarap.

      Ako ay isang libro nang mga dalanging hindi dinilig
      Ngunit matapat ako sa aking pangako
      Tatapusin ko ang nobelang ito;
      Hindi ko hahayaang matuyo ang tinta
      Hindi ko hahayaang mapilas ang papel.

      Tandaan mo sana na hindi lahat ay
      Dumadalangin sa Diyos
      Ngunit kung may Diyos man,
      Hayaan mong magpasalamat ako.

      Maaari, liliwanag muli ang kalangitan
      Maaari, iinit muli ang mga gabi
      Maaari, hindi na ako mag-iisa
      Maaari, masarap muling ngumiti.

      Salamat, aking mahal,
      Sa dulot mong bagong liwanag at init,
      Sa dulot mong mga ngiti,
      Sa dulot mong pagasa.

      Ikaw ay patunay na
      Marahil, maganda pa rin ang buhay.

  2. Maganda na ang mundo mahal,
    maganda ang lahat ng nilikha niya.
    maganda kung sa paningin natin ay gagawing maganda.
    at mas gumanda dahil binigay ka niya.

  3. Kung papipiliin ako sa pagitan ng noon sa ngayon.
    Ang pipiliin ko ay ang pagitan ng noon at ngayon.
    Ang pagitan kung saan una kitang nasumpungan.
    Ang pagitan na ang laylayan ay walang kasiguraduhan.

    Pipiliin ko ang pagitan ng Janine noon at ngayon.
    Dahil mamahalin ko ang Janine sa mukha niya noon at sa pagkatao niya ngayon.
    Dahil sasamahan ko ang Janine na magkakatha ng bagong nobela na wala pang pamagat.
    Dahil gagawa kami ni Janine ng simula at walang dulo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s