Pako

“Ibalik mo ‘ko sa 2013.”

” Ha?” nalunok ko bigla yung kape sabay lingon sa kaniya. Kingina. Eto na naman tayo. 

“Alam mong di ko magagawa ‘yan. Magkasya ka na sa kaka-stalk mo sa twitter account niyang 2 taon ng di nabubuksan tsaka sa YouTube account niya na ang huling activity e 2014 pa.”

Wedding ring. Tatay ko. Graduation. Picnic ng pamilya. Libing. Wedding ring. Tatay ko. Graduation. Picnic ng pamilya. Libing. Paulit-ulit lang yung pinapanuod niyang mga video. 

“Bakit sa iba, nagagawa mo? Napapabalik mo sila sa nakaraan?” sabi niya. Sinulyapan niya yung time machine na kinakalikot ko. 

“Sa iba ‘yun. Hindi pwedeng ibalik ng driver ng time machine yung sarili niya sa nakaraan. Sino magda-drive sa kaniya sa ngayon?”

“Dun na lang tayo, masaya tayo noong 2013.” 

Hindi pwede, naisip ko. Kapag bumalik tayo doon, mawawala ka. Mawawalan ako ng pruweba sa sarili ko na kinaya ko pang mabuhay nang matapos ang 2013. Kapag bumalik tayo dun, para saan pang ninakaw kita mula sa nakaraan?

Bato, bato pik

Nakaupo ako ngayon sa harap ng tv. 

Tv na nakapatay. 

Nagsawa na ako sa cellphone kaya nakatitig na lang ako sa tv. 

Katingkati akong buksan ‘yun.

Wala eh. Lalamunin ako ng lungkot. 

Kailangan gumalaw ng mga mata ko. Kailangan mag-isip ako. 

Kung hindi, malulungkot na naman ako ng sobra. 

Hindi na gaya dati. Kahit mag-isa lang ako. Kahit hindi gumagalaw ang mga mata ko at hindi ako nag-iisip, panatag ako. 

Ngayon, hindi na. 

Nawala na ‘yung kapanatagan sa sarili ko. 

At iyon siguro’ yung pinakamalaking bagay na binawi ng buhay sa akin.

Lit

Di ako mahilig sa dyamante, 

Sa mga ginto at salaping kulay asul o ube, 
Di ko rin nais ang esmeralda
Payak lang na pamumuhay ang nais ko sinta.

Hindi ko kailangan ng yaman sa mundo
Aanhin ko iyon kung malungkot naman ako
Hindi baleng ang lapida ko ay hindi marmol
Basta’t marami pa ring bumibisita
Kahit lumipas na ang panahon.

Malungkot. 

It feels like

When we transferred to our new house

Life has robbed me my dreams

Such as to work in the famed Malacañan, 

Take care of my dad when he’s so old, 

And see my mother happy. 

These will never happen now. 

I really wish my family listened to me

When I told them not to leave our old life in Manila.