Blog ko ‘to’ di ba?

Mabuti naman at may trabaho na ako. May tumanggap sa akin bilang writer. At sa malapit pa sa amin. Sa dinami-rami ng pinagexaman at pinaginterviewhan ko, dun pa sa puro q and a lang ako nakapasok. Yung boss ko parang magka level lang kami. Di ko siya mina-ma’am.

Start ko na sa August. Sa wakas may silbi na naman ako sa pamilya namin. Makakapagbigay na naman ako ng pambayad sa internet, cable, gas at tubig.

Pero sa gitna ng pang araw-araw kong pagpasok, pagbibigay sa magulang at paminsan-minsang pagkain sa gusto kong fast food, ano ako? 

Anong ginagawa ko para sa sarili ko? Saan ako papunta? 

Nag chat yung kaibigan ko sa akin kanina. Nawalan na raw siya ng passion, balisà raw siya. Ako yung tipo ng kaibigan na papayuhan kita o tutulungan kita sa abot ng makakaya ko, pero sabi ko sa kaniya, this time, I can’t help you. Kasi ako rin niyan, nasa kalagayan mo rin ako. Tatlong taon na. At hindi ko alam kung paano kita tutulungan kasi di ko rin matulungan ang sarili ko. 

Akala ko nung college, madali lang maging successful. Papasok ako sa magandang kumpanya, magiging best employee ako. Puta di pala. Pero sabi ng girlfriend ko successful naman ako sa ibang bagay. Naging government employee kasi ako at may mangilan-ngilang nagsabi sa akin ng pasasalamat kasi natulungan ko sila, outbound sa job description ko. Dun daw ako successful. Sabi ko siguro nga. 

Ang tagal ko ng di alam kung saan ako papunta. O siguro alam ko pero di ko gustong kumilos. Nung bata ako nadiagnosed ko yung sarili ko with depression, meron kasi kaming Reader’s Digest nun na may ganung quiz. Hanggang ngayon di pa ako nagagamot.

May blog post ako dito dati na dapat talaga mag s shift ako nung college. To psychology. Pangarap ko talagang maging psychologist. Para sa ibang tao, oo. Kalimitan naman ng mga desisyon ko these past, matured years eh para sa ibang tao. Like pagpasok sa government. Pero gusto ko rin kasing gamutin yung sarili ko sana. Alam ko kasing may sakit ako, yung sakit na di nakikita, pero habambuhay na.

Mahal, Kamusta Ka?

Mahal, kamusta ka? 

Tumila na ang ulan 

Tapos na ba ang iyong trabaho

Hindi ka ba masyadong nahapo? 

Mahal, naalala kita. 

Walang kasing bait

Sa lahat ay magiliw ka

Napakaswerte ko at tayo ay itinadhana. 

Mahal, kakatingin ko ng mga lumang litrato

Napangiti ako, ngunit hindi dahil sa iyo

Mahal, nais kong bumalik

Gusto kong ako ay manahimik. 

Mahal, hindi mo naitapon lahat ng aming litrato

Ang ilan sa kanila ay idiniin ko

Sa aking mga dibdib tila niyapos ko, 

Hanggang ang luha at dalangin ay

Ibinuhos ko. 

Mahal, patawarin mo ako. 

Hindi ikaw ang nasa puso ko

Balatkayong natutuwa sa pag-irog mo, 

Ang totoo mahal, siya pa rin ang mahal ko. 

Unparalleled Truth

You are not your job, or the prefix in your names you should had after college but you didn’t,  the times you got rejected in Miss Beauty and Brains 2000s, the B’s in your grades or the sorry letter from your dream job.

You are, however, the love you have for yourself and for other people. You are the choices you make, you are the decisions you take.

Wala Lang Ito. Don’t Bother to Read.

Well, isa na naman akong unemployed ngayon. 

Pero okay lang, ginusto ko naman to. I’ve been thinking nga eh. Baka naman di talaga ako pang-office. Baka kaya lagi akong nagreresign at may sinusumbong na workmate sa HR e dahil introverted ako at dapat magwork all by myself.

Di bale. May plano naman ako eh. Magpapahinga lang ako ng isang buwan tapos mag oonline job ako.

Di naman sa tamad akong empleyado. Pero kapag kasi di na ako masaya o kaya di ko na pinaniniwalaan yung organisasyon ko, tinatamad ako.

Una kong work, sa IT company. Technical writer ako dun. Nagresign ako kasi naharass ako ng katrabaho ko tsaka gusto ko mag government work. Yung pangalawa kong work one week lang. Project-based. Pero kumita ako ng around 6k. Yung pangatlo ko sa government na. Deputa mga katrabaho ko lalo na yung boss. Nakakatawa kase akala pala ng boss ko dun kaya ako umalis e dahil ayaw nila akong bigyan ng regular position. E pinipilit nga nila ako mag-exam pero ayoko na talaga dun. At yung huli, government din. Hindi nga nila ako sinabihan na di na pala marerenew yung contract ko. Nagresign slash tinapos ko na lang dun yung contract ko after one year.

Graduate ako sa isang public university. Wala akong tuition kasi Pamantasan yun, meaning pang mga scholars. Honor student since kindergarten pero ang tagal ko ng narealize na di ako matalino at hindi talino ang labanan sa labas ng eskwelahan.

E ano? Diskarte at ugali.

Elementary to college eh kasapi ako ng school publication. Dati magaling ako magdrawing. Ngayon lagi na lang ako nakahiga. Tinatamad ako. Ayoko ng maging duktor o manunulat.

Maraming nag-aakala na masungit ako. Tahimik kasi ako tsaka literal na wala akong masyadong konsiderasyon sa iniisip ng ibang tao. Gusto ko lang ng tahimik. Feeling ko yung mga salosalo o parties eh para lang makipagplastican ka sa iba.

Galit ako. Galit ako sa pamilya ko, galit ako sa mga katrabaho ko, galit ako sa nakapatay sa tatay ko. Galit ako sa sarili ko. Gustong-gusto kong ayusin yung sarili ko pero wala akong desire to act. Hindi sapat yung kagustuhan ko.

Sabi ko nga sa Diyos eh. Kung sinoman siya o anuman siya. Kung tapos na ang gusto mong ipagawa sa akin, pwede mo na akong pagpahingahin.

Sabi ng girlfriend ko, (oo babae ako at may girlfriend ako) mabuti akong tao. Pero hindi naman mabuti lahat ng tao. Hindi rin mabuti ang buhay.

Nega ba? Wala kasi akong mapaglabasan. Sabi sa mga nababasa ko, kung gusto mong gumaan ang damdamin mo eh isulat mo. Tatlong taon na itong blog ko. Matagal na akong humintong magsulat sa diaries.

Salamat sa pagbabasa.

Bato, bato pik

Nakaupo ako ngayon sa harap ng tv. 

Tv na nakapatay. 

Nagsawa na ako sa cellphone kaya nakatitig na lang ako sa tv. 

Katingkati akong buksan ‘yun.

Wala eh. Lalamunin ako ng lungkot. 

Kailangan gumalaw ng mga mata ko. Kailangan mag-isip ako. 

Kung hindi, malulungkot na naman ako ng sobra. 

Hindi na gaya dati. Kahit mag-isa lang ako. Kahit hindi gumagalaw ang mga mata ko at hindi ako nag-iisip, panatag ako. 

Ngayon, hindi na. 

Nawala na ‘yung kapanatagan sa sarili ko. 

At iyon siguro’ yung pinakamalaking bagay na binawi ng buhay sa akin.